

I’d love to fall in love with a guy who knows how to surprise his girl.
Yung kikiligin ako kasi alam ko araw-araw akong may makukuhang surpresa galing sayo. Yung kailangan kong ihanda yung sarili ko, kasi baka kung ano na naman yung surpresang siguradong magpapakilig at magpapasaya sakin. Yung hindi dumadaan yung araw na hindi ako kinikilig sayo. Yung kahit hindi ko naman hinihiling na araw-araw niya akong surpresahin o bilhan ng kung ano-ano eh gagawin niya padin. Yung may gustong gusto akong isang bagay, pero di ko naman makuha, bigla nalang niya ako susurpresahin na nabili na niya kagad yun. Yung kahit simpleng flowers o letter lang ang maibigay niya, eh kikiligin ka padin kasi atleast nag-effort siya. Ang sarap mahalin ng taong susurpresahin ka ng sweet na mga bagay kesa sa taong susurpresahin ang pag-iwan sayo..